200 guro at principal naghahanda sa pagtuturo ng pagbasa

PINAGHAHANDAAN ng 200 pampublikong guro at principal ang pagtuturo ng pagbasa para samga mag-aaral sa  unang baitang sa elementarya sa pitong distrito ng Batangas City.

Layunin ng Department of Education (DepEd) na maitaas ang kakayahan ng mga grade one teachers sa pagtuturo ng pagbasa upang makaagapay sa kaunlarang global ng edukasyon.

Naniniwala ang kagawaran na dapat simulan ang paghasa sa mga kabataan pagtuntong pa lamang nila sa unang baitang sa elementarya.

Tuturuan din ang mga participant na gumawa ng mga malalaki at maliliit na aklat na makatutulong sa pagsasanay sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Magugunita na dalawang public elementary school teachers sa Batangas City ang tumanggap ng pagkilala kamakailan dahilan sa isinulat nilang libro na napiling pinakamahusay sa Region IV ng DepEd sa programa nitong “mother tongue based-multilingual education.

Lubos ang pasasalamat ng DepEd Batangas City sa suportang ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod upang maisakatuparan ang naturang pagsasanay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply