200 kilong bocha nakumpiska sa Recto

NAKUMPISKA ng National Meat Inspection Service at ng pulisya ang tinatayang 200 kilong double dead na karne ng manok at baboy sa loob ng isang nakaparadang tricycle sa kanto ng Ilaya at C.M. Recto Biyernes ng madaling araw, Mayo 13.

Ayon sa ulat ng dzBB, may nag-tip sa NMIS at mga pulis na isang residente na may mga bochang dadalhin sa naturang lugar.

Wala naman naaresto sa naturang insidente dahil sinadya umanong hayaan na lang ng may-ari ng mga karne na kuhanin ito ng mga awtoridad.

Umabot ng 90 piraso ng manok at mga frozen na karneng baboy ang nakuha sa nakaparadang tricycle.

Dinala na sa Manila Police District Station 2 ang mga bocha bago ito dinala sa tanggapan ng NMIS sa lungsod ng Quezon.

Samantalang patuloy na inaalam ng pulis kung sino ang may-ari ng nakaparadang tricycle kung saan inabandona ang mga karne.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply