2,000 GOCCs exec sisibakin ni PNoy

TINATAYANG aabot sa 2,000 executives ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ang masisibak sakaling ratipikahan ng Senado ang panukalang magkaroon ng reporma sa kompanya ng estado sa pamamagitan ng Governance Commission for GOCCs.

Ganito ang ibinabala ni Sen. Joker Arroyo matapos bomoto ng “No” sa ratipikasyon ng bicameral conference committee report sa Senate Bill No. 2640 o ang GOCC bill.

Nanindigan naman si Sen. Franklin Drilon na ang ang panukalang  Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) Governance Act of 2011.ay naglalayong matuldukan na ang talamak na kurapsyon o pananamantala ng mga opisyal ng GOCCs.

Ipinaliwanag ni Drilon, chairman ng senate committee on finance, magkakaroon na ng reporma sa GOCC sector na una nang natuklasan na ginagawang gatasan ng mga opisyal at kawani nito.

“The abusive practices of the board as you have seen in the MWSS which grants 36 months pay for 12 months of work or GSIS where the directors would earn a million for attending one board meeting and a manicurist appointed as member of the board of trust fund, all of these practices will no longer now be possible,”aniya.

Sa naturang panukala, bubuo ang pamahalaan ng GOCC Governance Commission (GGC) na siyang magmomonitor sa pamamalakad ng GOCCs sa buong bansa maliban sa MECO o Manila Economic  and Cultural Office.

Kailangan na lamang pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang ito upang maging ganap na batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply