2011 Hala Bola! PBA All-Star Game

NAPILI ng mga opisyal ng Philippine Basketball Association (PBA) si Alaska pointguard LA Tenorio na makahahalili ni Barangay Ginebra playmaker Mark Caguioa sa starting 5 ng North team sa gaganaping 2011 Hala Bola PBAAll-Star week sa Boracay.

Si Tenorio na makakapalit ni Caguioa na kasalukuyang nasa Estados Unidos dahil sa problemang pampamilyang kinahaharap ay hindi kaagad makababalik sa bansa para makalahok sa prestihiyosong palaro sa isla ng Boracay.

Kabilang sa North team sina Gabe Norwood ng Rain or Shine, Marc Pingris, Kerby Raymundo ng Derby Ace Llamados, Willie Miller sa starting 5 habang nasa koponan sina Mac Cardona ng Meralco, Harvey Carey at Ranidel de Ocampo ng Talk N’ Text, Rabeh AL Hussaini, Alex Cabagnot at Arwind Santos ng San Miguel Beermen. Gagabayan ang team ni coach Renato “Ato” Agustin.

Ang South team na magtatangka na makabawi sa 132-133 pagkatalo sa labanan noong 2010 sa Puerto Princesa City ay tatanganan ni coach Chot Reyes na kasalukuyang nasa isang business trip kasama ng ilang executives ng PLDT at Smart Telecommuniation Group.

Kasalukuyang nasa Boracay ang buong South team players na kinabibilangan nina James Yap ng Derby Ace, Jay Washington ng Beermen, Kelly Williams ng Tropang Texters, Eric Menk ng Ginebra at Cyrus Baguio ng Alaska Aces.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply