2020 Olympics sa Japan malabo

MALABO nang maganap ang 2020 Olympic Games sa Tokyo dahil hindi pa rin nakakabangon ang bansa sa mapanglipol na lindol at tsunami kamakailan.

Pero ayon sa isang senior Japanese Olympic Committee (JOC), i-aanunsiyo na nila ang kanilang desisyon sa Hulyo kung tutuloy o hindi sa laban para maidaos sa lugar ang Olimpiada.

“The (March 11) disaster threw our preparations into a spin,” ayon kay JOC’s Olympic cooperation director Yasuhiro Nakamori matapos umaktras na rin ang Hiroshima sa mga plano dahil sa problemang pinansiyal.

“We have to assess the situation with the nuclear issue, although the final decision will be made by the JOC and we will make an announcement in mid-July. A bid must also be approved by the Tokyo Metropolitan Government of course,” dagdag niya.

Subalit si city governor Shintaro Ishihara ay interesado pa ring lumaban para sa bidding dito at katunayan ay magpapatuloy siya sa kanyang kampanya para matuloy sa Tokyo ang event.

Sinasabing gagastos ang Japan ng may $175 million para sa palaro at lalaban nito matapos mabigo sa 2016 Games.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply