21 teachers sugatan sa bumaligtad na jeep

MALUBHANG nasugatan ang 21 guro nang aksidenteng bumaligtad ang kanilang sinasakyang jeep sa Circular Road, Suello Village, Baguio City Huwebes ng umaga, May 26.

Nilalapatan ng lunas ang mga biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center dahil sa mga sugat sa ulo, braso at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon kay SPO2 Jun Apilado, traffic investigator ng Baguio City Police Office-Traffic Division, ang mga guro ay galing pa ng Zamboanga, Negros, Bacolod City, Surigao at ibang lugar sa Luzon at umakyat ng siyudad para sa isang seminar ng Department of Education (Deped).

Sinabi nito na sugatan din ang driver ng jeepney na si Francisco Baniqued na kinuhang masasakyan ng mga biktima.

Ayon sa inisyal na imbistigasyon ng BCPO, nawalan ng preno ang sasakyan ng mga biktima kaya sinubukan ng driver na ibangga na lamang sa riprap pero dumausdos iyon hanggang sa bumaligtad dakong alas-9:00 kaninang umaga.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply