22-anyos helper kinatay ng 20 bagets sa Kyusi

KINUYOG muna bago pinagsasaksak ang isang helper ng grupo ng mga kabataan kabilang ang ilang kababaihan na pinaniniwalaang pawang ‘thrill killers’ sa Quezon City.

Dead on arrival sa Fairview General Hospital (FGH) sanhi ng saksak sa dibdib ang biktimang si Remos Bantiling, 22, helper ng  Electromax  ng  116 Lower St., , Barangay Payatas A.

Sa ulat  ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit  (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa Lower Jasmine Street, nasabing barangay.

Ayon sa nakasaksi, bago ang pananaksak ay naglalakad sa lugar ang biktima at nang mapadaan sa lugar ay biglang pinalibutan siya ng mga suspek.

Sa pag-atake, tadyak, suntok at sampal ang inabot ng biktima at sa gitna ng panggugulpi ay isa sa mga suspek ang sumimple at sinaksak ang biktima bago nagsitakas.

Sa salaysay naman ng tiyuhin ng biktma na si Elmer Dioleste, natutulog umano siya sa kanilang bahay nang gisingin ng sunud-sunod na katok sa kanyang pintuan.

Nang  buksan ni Diolesta ang pinto para  tingnan kung sino ang kumakatok ay bumulaga ang kanyang pamangking si Bantiling na duguan na.

Agad namang binuhat ni Dioleste ang kanyang pamangkin saka isinugod sa ospital pero hindi na umabot nang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply