23,000 pamilya apektado ng pagbaha sa Mindanao

TINATAYANG 23,000 pamilya ang apektado ng pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa Maguindanao, Lanao del Sur, at Davao del Norte noong nakaraang linggo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga naapektuhan ang 10,083 pamilya sa Maguindanao; at 10,363 sa Lanao del Sur.

Nabatid na lubog sa baha ang Nuling Elementary School, Nuling National High School (Barangay Salimbao, Maguindanao); at Sultan Kudarat Islamic Academy sa Barangay Bulalo.

Nananatili ang taas ng tubig hanggang beywang sa Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Samantala, baha rin sa Carmen, Davao del Norte kung saan 10 barangay, 3,190 pamilya o 15,950 pamilya ang apektado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply