27 iniwang patay ni ‘Bebeng’

UMABOT na sa 27-katao ang pinatay ng tropical storm na si “Bebeng,” na tuluyan nang nakalabas ng bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga namatay ay nagmula sa Bicol Region at iba pang bahagi ng southern at eastern Luzon, na lubhang pinerwisyo ng bagyo.

Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, kabilang sa mga nadagdag sa listahan ng fatalities ay isang 12-anyos na batang lalaki sa Libon, Albay.

Ang biktima ay natuklaw umano ng ahas sa kasagsagan ng bagyo. Isa pang ginang sa Camarines Sur ang namatay matapos atakihin sa puso.

Kaugnay nito, naitala naman ng NDRRMC na may limang katao ang sugatan at isa ang nawawala, habang nasa evacuation center pa rin ang may 6,409 katao.

Kabilang sa talaan ng mga nasawi sina: Rexambard Tayamora, 9, ng Catanduanes; Aristeo Sabido, 31, ng Lupi, Camarines Sur; Wenceslao Lombis, 74, ng Sagrada, Camarines Sur; Jesus Paloma, 45, ng Camalig, Albay; Lourdes Lantero, 58, ng Daraga, Albay; Luis Dingcol, 47, ng Carigara, Leyte; Robert Hojila, 33, ng Pilar Village sa Las Piñas City; Alberto Tolentino, 59, ng San Miguel, Calumpit; Teotimo Manaban Cabarador, 43, ng Negros Oriental; at si Antonio Andalis, 30, ng Camarines Sur.

Kabilang din sa talaan ang mga taga-Balatan, Camarines Sur na sina: Maribel Ruelan, 19; Princess Ruelan, 8 na buwan; Marco Sanchez, 7.

Ang mga nasawi naman na mga taga-Minabalac, Camarines Sur ay sina Virginia Aquino; Romeo Marianito, 52; at Virginia Solano, 12.

Namatay din ang taga-Bula, Camarines Sur na sina John Paul Jay Abagat, 9; at Apolinario Volante Ronan, 42.

Ang mga taga-Nabua, Camarines Sur na kasama rin sa listahan ay sina Rolandro Balandia; Salvador Miranda; 18; at Mario Nuñez, 52.

Gayundin, ang mga pumanaw na mga taga-Libon, Albay ay sina Arnulfo Pesito, 23; Pablo Sendanan, 12; at Adrian Clark, 16.

Mgay mga taga-Northern Samar din na namatay at ang mga ito ay sina Jerry Mijares, 38; Mary Joy Tan, 5; at si Corazon Dinio, 47.

Samantala, sa pinakahuling weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang bagyong Bebeng sa layong 450 kilometro sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes (23.5°N, 125.4°E).

Taglay pa rin nito ang maximum sustained winds na 65 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 80 kph

Bahagyang nakahinga ng maluwag ang NDRRMC matapos na i-report ng Pagasa na unti-unti ng lumiliit ang tyansa ng namumuong sama ng panahon sa Pacific Ocean na makaapekto sa bansa.

Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), bahagyang humina ang nasabing weather system at nagkalat ang kaulapang dala nito kaya bumaba na rin ang posibilidad ng kaniyang paglakas.

Kung magpapatuloy ang ganitong development, manananatili na ang mainit na panahon sa buong bansa hanggang pumasok na naman ang ibang weather system sa huling bahagi ng buwan ng Mayo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply