24 na Chinese sa hinijack na barko nasagip

NABAWI na ng mga awtoridad ang 24 na Chinese sailor na sakay ng isang cargo ship na hinijack ng mga pirata sa Arabian Sea.

Sa ulat ng gobyerno ng China, ang Panama-registered ship lulan ang mga sailor ay hinijack ng pitong (7) pirata Huwebes ng umaga at nagawang ma-rescue ngayong Biyernes ng umaga.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang  Ministry of Transport kung paano na-rescue ang 24 na sailor sa kamay ng mga pirata. Sa sa inilabas ng ulat, ang mga sailor ay kasalukuyang nasa mabuting kalagayan at naka-uwi na sa kanilang bansa.

Base sa report, ang mga pirata mula sa Somalia ay aktibo sa pangha-hijack sa rehiyon dahil hindi kumikilala ang mga ito sa kanilang gobyerno.

Ang Chinese naval squadrons ay nagbabantay at umaagapay sa mga commercial ships para malabanan ang mga pirata sa karagatan. Kasama ng Chinese naval sa pagpaptrulya ang NATO nations, Russia at India.

Sa kasalukuyan lumalala ang komprontasyon sa panig ng mga pirata at naval forces dahil ginagawang hanapbuhay na ng mga bandidong Somali ang pangha-hijack para makakuha ng ransom money sa kanilang nabibiktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply