2,488 bagong silid-aralan handa na sa pasukan

NAKUMPLETO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 2,488 mga bagong silid-aralan sa buong bansa sa ilalim ng School Building Program katuwang ng Department of Education (DepEd).

Maliban sa programang ito ay iniulat dn ni Sec. Rogelio L.Singson na halos kumpleto na rin ang mga pagkumpuni sa mga kalsada bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 6 at programa ng pamahalaang Oplan Balik Eskwela upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga tao at motorista sa daan.

Nagbigay din ng kautusan ang kalihim sa mga regional at district offices ng DPWH na bilisan ang mga pagtapal sa mga butas na kalsada , declogging at paglilinis sa mga kanal upang maiwasan ang pagbaha, at pag-alis ng mga billboards na malapit sa mga eskwelahan.

Natapos na rin ang may 76 na mga bagong kubeta sa mga paaralan sa buong Pilipinas.

Inaalam na rin ng ahensya ang mga eskwelahan na walang malinis na tubig upang malagyan ng rain water facilities upng magkaroon ng pagkukunan ng mainam na tubig. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply