256 player nagtapos sa Rapid Chess Festival

NAGING matagumpay  ang pagdaraos ng Rapid Chess Festival na nilahukan  ng 256 chess players sa iba’t-ibang dako ng Metro Manila at karatig-bayan.

Pinamunuan ni Ivan Gil Biag ng Letran College ang Non-Master Division at pumangalawa naman si Adrian Perez at pumangatlo si Timothy So Kua.

Nakopo naman ni Joel Cocjin ang Top 50 yrs. old, sinungkit naman Virgen Gil Ruaya ng National University ang Top 18 yrs. old at nakamit ni Kevin Arquero ang Top Unrated. Samantala, pinagharian naman ng Far Eastern University standout na si Jerad Docena ang Kiddies 14-Under Division at pumangalawa si Juan Carlos Presente at pumangatlo naman si Mark James Marcellana.

Sa All Women Division, pinagwagian naman ni Carina Lauren Lumacad ng University of Santo Tomas ang kampeonato at pumangalawa naman si Carissa Canada at pumangatlo si Jean Paula Dela Cruz. Ang torneong ito ay inorganisa ng Basham Sports and Games Shop sa pakikipagtulungan ng Alphaland Southgate Mall at Mr. Daniel “Boy “ Francisco na pinangasiwaan  naman ng Chess Arbiters Association of the Phils. (CAAP) sa pangunguna ng mga batikang National Arbiters na sina Raul Cruz, Alex Dinoy, Milo Samaniego, Gatz Luz at Alfredo Chay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply