26,000 sako ng smuggled na sibuyas nasabat ng Customs

AABOT sa 26,000 sako ng smuggled na sibuyas mula sa China at India ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang cold storage facility sa Meycauayan City sa Bulacan.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang pagkakadiskubre sa mga puslit na pula at puting sibuyas ay dahil sa isang tip na ibinigay ng dating chairman ng Katipunan ng mga Samahang Magsisibuyas ng Nueva Ecija (KASAMNE).

Tinatayang nasa 260,000 kilograms ang pinagsamang bigat ng kontrabando na may halagang aabot ng P16 milyon at maaaring dumating sa 10 40-footer na containers at nakatatak sa mga ito ang mga bansang pinagmulan na China at India.

Hindi pa umano malaman ang consignee ng mga kontrabando subalit ang cold storage na bodega ay pagmamay-ari ng Tianlong Trading sa Sterling Compound, Barangay Iba, Meycauayan City.

Sa ulat ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Filomeno Vicencio Jr., walang maipakitang katibayan ang Tianlong Trading na pagbabayad nito ng tax and duties ng naturang mga sibuyas kaugnay sa pag-iimporta ng mga ito.

Hindi rin makapagpakita ang sekretarya ng Tianlong na si Aimee Lincallo ng kopya ng Phyto-Sanitary Inspection Certificate(PIC) mula sa bansang pinagmulan nito at plant quarantine clearances mula sa Bureau of Plant Industry.

Nagsasagawa na ang Run After Smugglers (RATS) ng imbestigasyon kung sino sa Customs ang kapasakat ng mga smugglers sa pagkakapuslit sa bansa ng mga sibuyas. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply