27 nominado para maging Ombudsman

INILABAS na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng 27 nominado para pumalit sa nabakanteng posisyon ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Kasama sa listahan sina Supreme Court Justice Conchita Carpio Morales, Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro, dating Solicitor General Francisco Chavez, Atty. Jose Manuel Diokno, Atty. Ernesto Francisco, Atty. Marlon Manuel, dating Ambassador at NLRC Chair Roy Seneres at dating Deputy Ombudsman for Visayas Pelagio Apostol.

Nasa listahan din sina DOJ Undersecretary Leah Armamento, Atty. Procopio Beltran, Atty. Emmanuel Bonoan, dating DOJ Undersecretary Jose Calida, Atty. Howard Calleja, Atty. Felix Carao at dating JBC member Artemio Tuquero.

Kaugnay nito, nagtakda na ang JBC ng public interview sa mga nominado mula Hunyo 22 hanggang 29.

Sa Hulyo 4 naman nakatakdang magbotohan ang JBC para sa shortlist na isusumite kay Pangulong Aquino.

Sa ilalim ng Konstitusyon, mayroong hanggang Agosto 6 ang Pangulo o tatlong buwan matapos mabakante ang posisyon ng Ombudsman para magdesisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply