27 pugot na ulo natagpuan sa Guatemala

NATAGPUAN ang may 27 bangkay sa isang rancho sa northern Guatemala, malapit na sa border ng bansang Mexico.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, sinasabing mga drug traffickers ang nasa likod ng pammumugot ng ulo sa mga biktima.

Nadiskubre ang mga bangkay sa isang rancho sa San Andres, 500 kilometro hilaga ng kabisera.

Napag-alaman na ang Guatemala ang may pinakamataas na murder rate sa Latin America kung saan higit 18 katao ang namamatay sa homicide araw-araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply