Mixer nanuyod ng motor; 3-anyos hati ang katawan

NAHATI ang katawan ng isang 3-anyos na batang babae, habang ang lolo nito’y maaaring maputulan ng kanang binti matapos suyurin ang motorsiklong sinasakyan nila nang  isang  mixer truck sa Ermita, Maynila Sabado ng umaga.

Nahati ang katawan ng biktimang si Janery Siplon ng Baseco Compound, Port Area, habang nakaligtas sa kamatayan subalit may posibildad na maputol ang binti ng lolo ng biktima na nakilalang si Crisaldo Morales,48.

Sinugod si Morales sa Manila Doctors Hospital kung saan siya ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Hindi na nagawang makatakas ng tsuper, na nakilalang si Levi Cano Y Gonzalez, 39, ng Paranaque City .

Batay sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Group, dakong alas-nuwebe ng umaga nang maganap ang aksidente sa panulukan ng  United Nations Ave. at San Marcelino St. sa Ermita.

Ayon sa testigo, habang nakahinto dahil sa red light ang mixer truck (RKG-434) at ang motorsiklo (4682PH) ng mga biktima sa nasabing panulukan.

Nang mag-go signal na ang traffic light ay pinaharurot ni Cano ang kanyang minamanehong truck dahil hindi niya umano napansin na may motorsiklo pala sa harapan ng sasakyang kanyang minamaneho.

Dahil ditto ay nasuyod ng higanteng sasakyan ang walang-labang motorsiklo ng maglolo.

Tumilapon ang mga sakay ng huli ay nasagasaan ang bata sa gitna ng kanyang katawan na kinaputol nito.

Samantala, durog naman ang kanang hita ng lolo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply