3-anyos nene ginahasa ng 4 totoy sa Cebu

APAT na batang lalaki ang inakusahang halinhinang gumahasa sa isang tatlong taong gulang na babae sa kagubatan ng Barangay Casili, Mandaue Cebu, iniulat ng pulisya.

Sa ulat na nakarating sa himpilan ng pulisya, ipinagharap ng sumbong ang apat na batang lalaki sa tanggapan ng kanilang punong barangay matapos ituro ng isang saksi na nakita sila habang nasa gubat at ginagawan ng kahalayan ang batang babe.

Base sa impormasyong nakalap, ipinatawag ni Barangay Captain Paterno Cabatingan at mga kinatawan ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga magulang ng apat na batang lalake.

Sa imbestigasyon, nabatid lamang ng chairman ang insidente matapos i-report ng isa niyang staff ang pangyayari nang dumulog sa kanilang tanggapan ang residenteng nakakita sa apat na menor-de-edad.

Dagdag ng kapitan, isang napakalaking iskandalo ang insidente sa kanilang barangay kung kaya ipinatawag niya ang mga magulang ng mga akusado.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply