3 drug pusher tiklo

ARESTADO ang tatlong drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 at PN PCauayan City sa Isabela City.

Batay sa inisyal na report, nadakip sina Adonis Ronquillo, 36, ng Tallungan; Reina Mercedes, Isabela, Anthony Mark Tomas, 31, ng Bliss Village, Ilagan, Isabela at Nelson Agra, 31, residente ng Payatas, Quezon City.

Nabatid na matapos makakalap ng impormasyon sa tatlong pusher agad nas nagsagawa ng operasyon ang PDEA na naka-check-in noon sa isang hotel sa Cauayan City.

Ayon pa sa ulat, nagpanggap ang isang ahente ng PDEA na bibili ng droga at nang magbayad na ang mga suspek ay agad silang dinakip.

Nakakuha ang awtoridad ng marked money na dalawang P500 bill at dalawang P1,000 bill, tatlong cellphone at mga sachet ng shabu na nakalagay sa plastic bag.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply