3 empleyado ng DENR di palulusutin ng NBI

TINIYAK ni Environment Secretary Ramon  Paje na hindi makalulusot ang tatlong empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Baguio City na nahuli sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cordillera.

Ani Paje, inatasan na niya si Regional Executive Director Clarence Baguilat ng DENR-Cordillera Administrative Region na huwag palulusutin sina forester Victorino Bilayan, chief of Forest Protection Unit ng CENRO-Baguio City, at dalawa pa niyang forest rangers na sina  Mark Chaloping  at Antonio Abellera.

Inatasan din umano ni Paje si Baguilat na makipag-ugnayan sa NBI upang mapalakas ang kaso laban sa tatlo.

Aniya, patutunayan ng DENR na walang sinasanto ang kanilang tanggapan. Wala umano silang “holy cows” pagdating sa kanilang “anti-corruption campaign.”

Kinilala ang tatlo na mga miyembro ng isang extortion ring na kumikilos sa Baguio City.

May kaugnayan din umano sila sa ilang empleyado ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad.

Ani Paje, nakalulungkot na nagkaroon sila ng mga empleyadong katulad nila, ngunit gagawin ng DENR ang lahat upang hindi na ito maulit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply