3-in-1 Slimmer Run

NAKAPORMA na ang pagtakbo ng mga apisyonado ng pagtakbo, na layuning makita silang magaling, namumuhay ng maganda ang pangangatawan at malusog sa paboritong takbuhang nakalatag sa 28th Avenue, Bonifacio High Street ng Taguig City sa darating na Hunyo 25, 2011.

May bansag na Slimmer Run, ang 3-in-1 footrace ay kapapalooban ng 10-kilometrong haba, na may mga kasamang mas maiksing rutang ang sukat ay lima at tatlong kilometrong hagaran.

Ang unang 1,500 makakapagpatala lamang ang mabibigyan ng event running singlets sa takbuhang espesyal na mga panauhin ay ang  mga Miss Bikini Philippines Beauties.

Mangyaring makipagugnayan sa race organizer na Argent Network International Corporation sa #2310 Febo St., Pandacan, Maynila o kaya’y tawagan ang mobile phone na may bilang na 0926-2052787 para sa alituntunin ng naturang patakbo.

Makipagtalastasan sa Slimmers World head office sa G/F ng Pan Pacific Hotel, Adriatico Square, Malvar St., Maynila  (02-536-2381 / 526-7396) para sa iba pang impormasyon upang makapagpatala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply