3 kelot nagbenta ng nakaw na sasakyan, nasakote

TATLONG lalaki na aktong nagbebenta ng nakaw na sasakyan ang nasakote ng pulisya sa Parañaque.

Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) director, Chief Superintendent Leonardo Espina nakilala ang mga suspek na sina Elmer Marcelo, Ernesto Reyes at Nolan Nacional.

Nabatid pa kay Espina na nasakote ang mga suspek habang nagbebenta ng Toyota Fortuner (ZJJ-330) sa isang abogado sa Caltex Coastal branch sa Baclaran, Parañaque City.

Nabatid pa na ibinebenta ang naturang sasakyan sa halagang P180,000.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya makaraang makakuha ng impormasyon sa ibinebentang Toyota Fortuner.

Napag-alamang ang nakaw na sasakyan ay pag-aari ng isang Dr. Elizabeth Miranda, ng Soldiers Hills sa Muntinlupa City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply