3 NPA patay sa sagupaan

TATLO sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nasawi at marami ang pinaniniwalaang sugatan sa nangyaring sagupaan Huwebes, Mayo 5, sa pagitan ng mga ito at ng Army Scout Ranger sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Kinumpirma ito ni Lt. Col. Manuel Ochotorena, commander ng 302nd Infantry Brigade, batay sa kanilang follow-up at intelligence operation pagkatapos ng insidente.

Hindi naman nila na-recover ang bangkay ng mga rebelde dahil dinala ang mga ito sa pagtakas upang ipalibing kaagad para walang makuhang ebidensiya ang militar.

Una rito, killed in action ang mismong commander ng Army Scout Ranger second company sa ilailim ng 79th Infantry Battallion na si Capt. Wilson Montenegro matapos makasugupa ang mahigit 20 kasapi ng mga NPA dakong alas 9:10 ng umaga sa Brgy. Talalak Sta. Catalina.

Agad na nagsagawa ng blocking force ang mga sundalo sa escape route ng mga rebelde matapos malaman ang insidente.

Nasugatan naman si Pfc. Rocky Javier sa palitan ng putok ngunit ito’y nasa ligtas nang kalagayan sa isang pagamutan sa Negros Oriental.

 Sa hiwalay na military operation ay natunton na ng mga tauhan ng Army 4th Infantry Division na pinamumunuan ni Lt. Gen. Victor Felix ang kuta ng mga NPA na sumalakay sa Maglibot Municipal Police Station. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply