3 NPA spy sa Negros Occidental, pinatay

TATLONG espiya ng New People’s Army (NPA) ang nilikida kaugnay sa inilunsad na “Oplan Panghilamon” laban sa mga pinaghihinalaang espiyang impormante ng goberyo sa Negros Occidental.

Sa inilabas ng ulat ng 303rd Infantry Brigade, dalawa sa mga biktima ang isinailalim sa summary execution, samantala isa ang namatay dahil sa labis ng pagpapahirap.

Kabilang sa mga namatay ay ang isang impormante ng gobyerno na kasapi ng NPA motorola platoon sa Northern Negros na binaril ng kaniyang mga kasamahan sa bayan ng Calatrava, habang ang isa ay namatay sa torture sa Escalante City.

Isang nagngangalang “Ka-Benhur,” na umano’y pinaghinalaang deep-penetration agent, ang isinailalim sa “kangaroo court” at pinatawan ng kamatayan sa lungsod ng Escalante. Nabigo ang mga sundalo na ma-recover ang bangkay ng mga rebelde.

Una nang iniulat ng militar na nagaaway-away mismo ang mga rebelde dahil sa hindi pagkakasundo sa pamumuno ng ilang mga kapatiran na ipinadala mula sa Samar para sa recruitment at training operations.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply