3 Pangulo dadalo sa kasal ni Miriam

TATLONG Pangulo ng Pilipinas ang dadalo sa kasal ni Sen. Miriam Defensor-Santiago bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40th wedding anniversary nila ng kanyang asawang si Narciso Santiago.

Sa darating na Hunyo 19 gaganapin ang kasal ni Santiago sa Manila Cathedral kung saan ay si Gaudencio Cardinal Rosales ang magbibigay ng basbas sa kanila.

Si Pangulong Benigno Aquino III ang best man ni Santiago at kabilang sa mga ninong at ninang sina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.

 Kasama rin sa principal sponsors sina dating Unang Ginang Imelda Marcos, Vice President Jejomar Binay, Ambassador Eduardo Conjuangco, Jr., Chief Justice Renato Corona, Dr. Oscar Lopez, Atty. Felipe Gozon, Don Emilio Yap, Justice Consuelo Ynares Santiago, Ma. Paz Cojuangco-Teopaco, Marixi Prieto, Teresita Sy-Coson at Jocelyn Campos-Hess.

Sa entourage naman ay ang mga kasamahan ni Santiago sa Senado tulad nina Senators Jinggoy Estrada, Ramon Revilla , Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Edgardo Angara, Loren Legarda at Pia Cayetano.  Gayundin sina Dr. Linnea Defensor-Evangelista, Lisa Macuja-Elizalde, Zenaida Lazaro at Gemma Cruz-Araneta.

 Samantalang ang secondary sponsors ni Santiago ay sina dating senador Mar Roxas at asawa nitong si Korina Sanchez-Roxas sa candles; Manuel Pangilinan at Evelyn Singson sa veil; Senador Many Villar at Rep. Cynthia Villar sa cord; Bible readers naman Sihna Ma. Isabel Ongpin at Esperanza Cabral at ang offerors na sina Beatriz Aboitiz, Comm. Francis Tolentino, Vice Mayor Josefina Belmonte-Alimurung, Isaac Belmonte at Executive Secretary Paquito Ochoa.

Si Heart Evangelist naman ang maid of honor ni Santiago. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply