3 patay sa magnitude 5.9 na lindol sa Turkey

TATLO katao ang patay sa magnitude 5.9 na lindol na tumama sa western Turkey Huwebes, Mayo 19 (petsa sa Turkey), ayon sa ulat.

Daan-daan katao ang nawalan ng tirahan dahil sa nasabing lindol. Ang mga ito ay pansamantalang nanunuluyan sa mga tents na itinayo ng mga Turkish rescue workers at soldiers

Wala namang naiulat na na-trap sa mga gumuhong gusali at mga bahay sa Simav, ang epicenter ng lindol samantalang nasugatan naman ang 125 katao dahil ang ilan sa mga ito ay nagsipagtalunan sa bintana dahil sa panic.

Isa sa tatlong namatay ay isang lalaki na tumalon sa bintana dahil sa panic habang namatay naman ang 18-anyos na high school student nang tamaan ito ng nagbabagsakang bato mula sa mga gumuho at ang isang matandang babae ay namatay dahil sa heart attack.

Nagbigay ng tulong ang Red Crescent (parang Red Cross sa Pilipinas) sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga biktima. Namahagi rin sila ng 2,000 tent at 10,000 blanket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply