3 pulis na nakapatay sa binatilyo sumuko na

SUMUKO na kay Southern Police District (SPD) Chief Supt. Arne delos Santos ang tatlong pulis-Makati na nakapatay sa 13-anyos na binatilyo ngayong hapon, Mayo 12.

Ang sumukong pulis ay sina  Chief Insp. Angelo Germinal, PO3 Robert Rinion at PO1 Nicolas Apostol, Jr. na dinala ng isang barangay chairman sa presento San Antonio Village, Makati City.

Ang mga suspek ay nagtago makaraang mabaril ang 13-anyos na si Christian Serrano noong Lunes habang naghahalungkat ng mga bakal sa abandonadong gusali ng Smart Tower II sa kanto ng Bagtikan at Kamagong Sts. sa Barangay Sta. Cruz.

Ang mga suspek ay sumasailalim na sa masusing imbestigasyo at pinagpapaliwanag kaugnay sa pagkakapatay sa biktima.

Samantala, inamin naman ni Germinal na siya ang nakabaril sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply