3 pulis na pumatay sa 13-anyos, tinutugis na

TULOY na ang isang metrowide manhunt operation na iniutos laban sa tatlong pulis na suspek sa pagpatay sa isang 13-anyos na scavenger noong Lunes sa Makati City.

Inutos na ni Chief Supt. Alan Purisma, director ng Metro Manila Police, sa Southern Police District na palakasin ang kanilang manhunt operations laban sa tatlong Makati City police na nagtago matapos ang pamamaril sa 13-anyos na si Christian Serrano.

Ang tatlong pulis na kasalukuyang tinutugis ay sina Chief Insp. Angelo Germinal, dating commander ng Makati City Police Community Precinct No. 5, at ang dalawang kasamahan nito na sina PO3 Robert Rinion at si PO1 Nicolas Apostol, Jr.

Kinasuhan na rin ang tatlong pulis ng murder dahil sa pagpatay sa menor-de-edad na si Serrano.

Magugunita sa mga report na naghahalukay ng basura para sa mga scrap iron si Serrano sa isang inabandunang gusali. sa kanto ng Kamagong at Bagtikan Sts., Makati City nang pinaputukan umano ito ng tatlong pulis hanggang mamatay ito.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ang tatlong pulis-Makati ay naka-patrol noong Lunes ng hapon nang Makita nila ang bata na naghahalungkat sa naturang gusali.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply