3 road hazard sa ‘killer highway’ ng QC tinukoy

TINUKOY ng mga eksperto ang tatlong maling katangian na taglay ng “killer highway” sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kaya madalas magkaroon dito ng malagim na aksidente.

Base sa inisyal na datos na nakalap ng international experts sa ilalim ng International Road Assessment Program (IRAP), may ilang problema sa kahabaan ng Commonwealth Ave.

Ang una ay ang pagkakasa ng concrete at hard barriers, na dapat umano ay ginamitan ng mas malambot na materyal tulad ng plastik o goma.

Sa ganitong paraan, umano, ay walang masyasdong epekto ang mga ito sa mga madidisgrasya.

“There are too many concrete barriers. Even if your speed is 60 kilometers per hour and you hit the solid concrete, that would lead to fatal or serious injuries,” pahayag ng eksperto.

Pangalawa ay ang hindi tamang pagpoposisyon sa mga pedestrian lane na nagdudulot ng kalituhan sa mga mananawid sa kalsada.

“May pedestrian overpass doon na akyatan at babaan ng pedestrians. There is an island na in-between bus lanes, hindi sa sidewalk. Parang nakikipagpatintero yung pedestrians kaya majority of the fatalities sa Commonwealth (ay) pedestrians,” anito.

Ang pangatlo ay ang maraming U-turn slots na ikinasa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa naturang kalsada.

“U-turn slots are good for a certain volume of traffic. It’s not good in all situations. May u-turn slots na masyadong magkadikit na nagiging traffic generator kasi yung motorists coming from an outer lane will weave their way through para makapag u-turn,” pahayag pa ng grupo ng eksperto.

Inilapit na kay MMDA Chairman Francis Tolentino  ang problema tungkol sa malaking bilang ng u-turn slots at pinag-aaralan na umano ng ahensya ang pagtatanggal sa mga ito.

Idinagdag pa ng grupo na pabor sila sa paglalagay ng lane separators para maiwasan  ang aksidente, pero hihintayin na lamang umano nila ang pinal na rekomendasyon na ikakasa ng IRAP.

Umapela ang grupo sa publiko na mahigpit na sundin ang batas-trapiko at disiplinahin ang sarili para makaiwas sa mga aksidente habang ikinakasa pa ang pagpapaganda ng road infrastructure.

Maliban sa Commonwealth Avenue, tinitignan din ng grupo ang kahabaan ng Epifanio delos Santos Ave. (Edsa), Quirino Highway at Road 10 dahil madalas din ang mga aksidente sa mga kalsadang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply