3 sugatan sa sunog sa Manila

TATLO ang naiulat na sugatan sa naganap na sunog, kabilang ang dalawang tauhan ng Manila Fire Department, matapos sumiklab ang sunog sa harap ng SM San Lazaro sa Sta. Cruz, Manila, Huwebes ng tanghali.

Kinilala ang mga sugatang bumbero na sina Richard Solicio at Raymond Buendia, kapwa nakatalaga sa Manila Fire Departement ng Bureau of Fire & Protection (BFP). Tinamaan umano ang dalawa ng hose sa mukha habang ang isang hindi na binanggit na pangalan na residente ng lugar ay nahulog umano sa hagdan.

Nagkaroon naman ng tensyon sa mga tao sa loob ng SM San Lazaro at nagkanya kanya itong labas upang umiwas sa baka madamay ang nasabing mall.

Ayon kay Bonifacio Carta ng Arson Division, dakong alas-diyes ng umaga nang biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Dolor at Felicima sa sa panulukan ng Felix Huertas at F. Yuseco Sts., Sta. Cruz.

Umabot sa ika-limang alarma ang sunog at idineklara itong fire under control ng bandang alas-onse ng tanghali.

Gayunman sa initial na ulat ng BFP, aabot sa P1.5 milion ang kapinsalaan ng nasabing sunog sa mga nakahilerang karinderya sa harap ng SM San Lazaro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply