3 tiklo sa pagbebenta ng pekeng contact lens

HULI ang tatlo katao matapos maaktuhang nagbebenta ng pekeng contact lens sa Caloocan City Miyerkules ng umaga, Mayo 18.

Nakilala ang mga dinakip na sina Jackie Chua, 28, ng Manila; Mark Tan, 24; at Myra Saimo, 28, ng Navotas.

Ayon sa report, nakatanggap ng reklamo ang mga pulis sa Intergrated Philippine Association of Optometrist hinggil sa nabibiling mga pekeng contact lens sa Victory Mall sa Monumento ng naturang lungsod.

Dahil dito, sinalakay ng mga pulis ang Victory Mall dakong 11:30 ng umaga kung saan naaktuhan si Chua na nagbebenta ng mga pekeng contact lens.

Sa katabing puwesto naman ay hindi rin nakaligtas sina Tan at Saimo na nagbebenta rin ng nasabing pekeng produkto.

Nakumpiska sa mga suspek ang kahon-kahon ng mga contact lens at kemikal na panglinis na hindi
aprubado ng Food and Drugs Administration.

Ayon sa mga eksperto, maaaring makabulag ang mga pekeng contact lens na ibinebenta ng mga nadakip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply