3 todas, 22 naospital dahil sa diarrhea sa Albay

TODAS ang tatlo katao habang 22 iba pa ang bumagsak sa ospital sanhi ng diarrhea sa Daraga town sa Albay, Bicol na nagsimula pa noong Abril.

Hinala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang tubig mula sa isang batis o spring ang dahilan ng sakit ng mga residente.

Ayon sa website ng NDRRMC, ang mga biktima ng nasabing sakit ay mula 8-buwan hanggang 53 taong gulang. “Victims’ ages range from 8 months to 53 years old … (There were) three fatalities, one last April 26, confined at Ludovice General Hospital and two this weekend, those already admitted in the BRTT Hospital.”

Kinilala ng NDRRMC ang dalawa sa tatlong kaswalidad na sina Arthur Mirandilla, 53; at Rolly Maravillas, 53.

Sinabi rin na 55 porsiyento ng naapektuhan ay matatandang lalaki habang ang karamihan sa kaso ay may senyales ng pagtatae, pagsusuka (nausea/vomiting) at may kulay dilaw at berdeng dumi.

Sa ikinasang ocular investigation, lumabas na ang pinanggalingan ng tubig batis ay ilang metro lamang ang layo mula sa mga bahay ng mga biktima.

Dahil dito, nakipagkoordinasyon na ang local health workers sa village council para mapaigilan ang mga residente na kumuha ng tubig  mula sa batis kaya binakuran na rin ng Gapo village council ito.

Samantala, ang mga nananatili sa ospital ayon sa NDRRMC ay ang mga sumusunod: Erwin Maravillas, 32; Mikaela Completo, 8 mos.; Kevin Completo, 9; Salvador Completo, 30; Marivic Completo, 34; Arnel Maravillas, 37; Leoncita Maravilas, 31; Darwin Loremia, 22; Gillian Mesa, 5; Juvy Maravillas, 27; Angie Maravillas, 23; Darryl Maravillas, 1; Divine Joy Ugay, 1; at 5 mos.; Mary Jane Maravillas, 30;  Gilmen Mesa, 33; Carly Ugay, 3;  Homer Mesa, 11 mos.; Aron Maravillas, 11 mos.; Giselle Maravillas, 7 at Mary Jane Mesa, 26. Robert C. Ticzon

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply