3 wanted na Ampatuan dedma ng mga sundalo

TATLONG miyembro ng pamilya Ampatuan na umano’y wanted sa batas dahil sa pagkakasangkot nito sa Ampatuan Massacre ang gumagala lamang at hindi hinuhuli ng mga awtoridad, ayon kay Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sinabi ni Mangudadatu na kahit nakikita ang tatlong suspek ng mga sundalo na gumagala sa kanilang lugar ay hindi umano inaaresto ang mga ito.

Sa ginanap na pagdinig ng usapin sa Taguig City, sinabi ni Mangudadatu na ang mga suspek ay nakikita pang naglalaro ng basketball kasama ang mga sundalo sa loob mismo ng kampo ng militar sa Raja, bayan ng Buayanon.

Kinilala ni Mangudadatu ang mga suspek na sina Bahnarin Ampatuan, Ulo Ampatuan, at Ipi Ampatuan, pawang nahaharap sa  57 counts ng murder at may pabuyang P300,000 para sa pag-aresto ng bawat isa.

Sangkot ang tatlong Ampatuan sa masaker na naganap noong Nobyembre 23, 2009 kung saan namatay ang 57 katao, kabilang ang mahigit 30 mamamahayag.

“Nakikita sila doon na nakikipag-basketball pa sa mga sundalo at hindi sila hinuhuli,” ani Mangudadatu.

Inamin naman ni Mangudadatu na hindi niya personal na nakitang nakikipaglaro ang mga suspek pero may mga taong nagbibigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa aktibidad ng mga suspek.

Ayon sa gobernador ng Maguindanao, may mga opisyal ng militar sa lalawigan na nagbibigay ng proteksyon sa tatlo.

Nagpadala na umano sila ng reklamo sa mga naturang opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply