30 pamilya nasunugan sa Pasay

NAABO ang malalaking residential houses sa Pasay City, ngayong hapon, Huwebes, kung saan naninirahan ang may 30 pamilya.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa bedroom na nasa ikalawang palapag ng bahay ni Dominador Patio, dakong 1:45 ngayong hapon, Mayo 19.

Ang apoy ay mabilis na kumalat sa buong compound ng pamilya Patio at nadamay ang kabahayan sa A. Flores St., Malibay na umabot sa ika-apat na alarma.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng Pasay City Police Arson investigation, ang sunog ay nagmula sa over loading ng electric wire dahil uminit at sumiklab ang main switch na siyang nagpa-apoy sa kisame.

Walang iniulat na namatay o nasaktan sa naganap na sunog at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala sa naganap na sunog na naapula dakong 3:15 ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply