300 kolehiyo magtataas ng tuition fee

ISANG malaking pasanin nanaman sa mga magulang ang pagtataas ng matrikula ng may 300 kolehiyo sa bansa.

Nabatid na nag-abiso na ang mga naturang paaralan ng pagtataas ng kanilang matrikula na may kabuuang 15 porsiyento ang magiging dagdag.

Sumatutal na may dagdag na P30 hanggang mahigit sa P100 ang bayad sa bawat academic unit.

Ayon sa Commission on Higher Education (Ched), wala silang magagawa sa taun-taong pagtataas ng matrikula ng mga pribadong unibersidad.

Pangunahin daw na makikinabang dito ay ang mga guro at mga kawani ng eskuwelahan dahil 70 percent dito ay mapupunta sa pagpapasuweldo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply