300 sasakyan huli sa C’wealth operation

NAHULI ang umabot sa 300 na mga sasakyan sa Commonwealth Ave. sa Quezon City dahil sa over-speeding o paglabag sa 60-kilometer-per-hour (kph) speed limit.

Ito ay matapos ang magdamagang operasyon kagabi ng pinagsanib na puwersa ng Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bandang alas-siyete Miyerkules ng gabi sinimulan ang operasyon hanggang umaga ng Huwebes ng grupong  binuo ni Transportation Secretary Ping De Jesus.

Ayon kay Engr. Alberto Suansing, consultant ng DOTC at dating hepe ng LTO, ang mga nahuli aniya ay hindi lamang dahil sa overspeeding kundi maging sa iba’t ibang traffic violations.

Kinumpiska ang lisensya ng mga nahuling bus driver at tinanggalan ng plaka ang mga sasakyan nila. Ipatutubos ito sa mga bus operator sa halagang P1,200.

“Yung mga matulin magpatakbo na mga bus na ito, akala nila siguro walang nagpapatrolya ngayong araw. Ang ,isa beating the red light malapit sa Regalado. Nahirapan kaming habulin dahil sa tulin,” saad ni Suansing.

Magugunitang mahigpit na inatasan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang DOTC at Metro Manila Development Authority (MMDA) na gumawa ng agarang hakbang para hindi na maulit ang trahedyang sinapit ng nasawing UP professor at journalist na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan sa kahabaan ng tinaguriang “killer highway”.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply