300 tambay sa QC balik eskuwela na

MAY 300 tambay ng Quezon City ang muling magbabalik-eskuwela para sa magkatuwang na proyekto ng lokal na pamahalaan at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa pamamagitan ng paglalaan ng P3 milyong pondo ay magkatuwang na gagampanan ng QC government at ng TESDA ang pagbibigay ng libreng pagsasanay sa mga tambay.

Nakapaloob sa memorandum of agreement na ang TESDA at ang pamahalaang lungsod ng QC ay bibigyan ng pagsasanay ang mga tambay o out-of-school youth at mga unemployed adults upang magkaroon ng magandang hanapbuhay sa hinaharap.

Ang kasunduan ay parehong nilagdaang nina TESDA Director General Joel Villanueva at ni QC Mayor Herbert Bautista.

“We hope to rouse our youth from idleness into productivity. TESDA’s way is to offer them free training to allow them to discover their strengths and skills that they could use to find employment someday,” ani Villanueva.

Ipinaliwanag ni Villanueva na may ilang kaso ng paghinto sa pag-aaral ng ilang estudyante ay dulot ng kahirapan.

“We want to make them feel there’s a second chance. We don’t want our youth to give up on education because that would mean giving up on their family and their country,” sinabi pa ni Villanueva.

Anim na kapartner na technical at vocational institutions (TVIs) ang paglalagakan ng TESDA sa mga tambay na matatapos sa pagsasanay gaya ng Korea- Philippines IT Training Center; Royal International Training Zone (for slaughtering operations); I Learn Training Center; Reyes International School of Cosmetology; Mechatronics Technologies Corporation; at St. Paul University Quezon City, Inc.

Pinasalamatan din ni Villanueva ang QC government dahil sa paglalaan ng pondo para sa libreng pag-aaral sa mga out-of-school youth.

“Education is always a worthy investment. At the end of the day, there is always a tenfold return for the scholars’ families and for the country.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply