31 volcanic quakes naitala sa Taal sa loob ng 24 oras

ISANG araw matapos makapagtala ng 115 volcanic quakes, patuloy na nagpapakita ng pagtaas ng seismic activity na may kasamang pagdagundong ang Taal Volcano sa Batangas nang makapagtala naman ito ng 31 quakes sa nakalipas na 24 oras.

Lima sa volcanic quakes na may kasamang pagdagundong ay naramdaman ng mga residente, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa update ngayon, Martes, sinabi ng Phivolcs na may limang pagkakataon na naramdaman ang Intensity I hanggang II sa Pira-piraso at Calauit, at ang hilaga-silangan at kanluran-silangan bahagi ng bulkan.

Naramdaman ang Intensity 1 dakong 11:41 ng umaga habang ang Intensity II ay apat na beses na naramdaman dakong 7:26, 9:28, 9:30 ng umaga at 6:16 ng gabi.

Sa Albay, Bicol, sinabi ng Phivolcs na isa lamang volcanic earthquake at isang rockfall-related event ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Samantala sa Sorsogon, tatlong volcanic earthquakes ang naitala ng Phivolcs sa Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply