340 computer set ipapamahagi sa Lucena

NAKATAKDANG mamigay ng 340 sets ng personal computers (PC) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa 34 pampublikong high school sa Quezon sa darating na pasukan bilang bahagi ng “Personal Computers for Public Schools Project” (PCPSP) ng ahensya.

Ayon kay Chito Luce, trade and industry development specialist at PCPSP coordinator, ang public high schools ay pagkakalooban ng tig-10 units ng computers na donasyon ng gobyerno ng Japan at iba pang project partners.

Ayon kay Luce, ang proyekto ay sagot ng DTI sa hamon ng mabilis at lumalabas na karunungang pang-ekonomiya. Ito ay naglalayong mapagbuti ang kakayahan ng kabataang Filipino sa information technology bilang knowledge workers sa hinaharap.

Ito rin ay promosyon ng “information technology culture” sa mga paaralan bilang daan upang mapagbuti ang kakayanan ng mga Filipino na naaayon sa pandaigdigang pamantayan.

Samantala, ang DTI-Quezon ay nasa proseso pa ng pagpili ng mga public high schools na benipisaryo sa ilalim ng phase 4 ng programa.

May kabuuang 1,230 computers na ang naipamigay ng DTI sa ilalim ng phases 1-3 na ipinatupad noong 2000; 2004 at 2007.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply