Sugalan na shabu ang pustahan isinumbong

APAT katao ang naaresto kagabi sa Marikina City matapos na inguso ng isang kalugar ang talamak na sugalan kung saan ang pinagpupustahan ay bawal na droga.

Kinilala ni Marikina City Police chief Senior Supt. Gabriel Lopez, ang mga nasakote na sina: Julius Durano, 49, ng Pechay St., Barangay Tumana; Vergel Luna, 30, taxi driver, ng H. Bautista St., Concepcion Uno; Jeffrey Sumayan, 18, ng Block 55, Pipino St., Barangay Tumana, pawang ng nasabing lungsod; at Mateo Millares, 40, ng Purok 5, Barangay Cupang, Antipolo City.

Sa ulat, naganap ang pag-aresto sa mga suspek dakong alas-diyes ng gabi sa 44 Pechay St., Barangay Tumana.

Nabatid na malakas ang pagsusugal ng mga suspek sa labas ng bahay ni Durano nang makita ng mga residente na pakete na ng shabu ang itinataya ng mga ito.

Ayon sa impormante, malaki na umano ang natatalo kay Durano kung kaya’t shabu na ang itinataya nito.

Ayon pa rito, hindi na nila pinapansin ang pagsusugal ng mga suspek sa labas ng bahay, subalit ang hindi nila mapapayagan ay ang lantarang pagpupustahan ng mga ito ng bawal na droga.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakakulong sa Marikina jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Anti Illegal Drug Law laban sa kanila. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply