4 bata tusta sa sunog sa Compostela

PATULOY ang isinasaagwang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na sunog sa Maco, Compostella Valley, ikinamatay ng apat na bata, iniulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa tanggapan ni Philippine National Police spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, naganap ang sunog bandang 4:00 ng madaling-araw sa Purok 2 Barangay Panoraon Maco Compostella Valley.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Dolly Bellones subalit hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Kompirmado namang apat na bata ang nalitson nang buhay matapos ma-suffocate sa makapal na usok kaya hindi na nagawang makalabas ng bahay,

Kaugnay nito, ipinag-utos ngayon sa mga arson investigator na alamin ang dahilan ng sunog at kung may dapat na managot sa pagkamatay ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply