4 kongresista type maging gambling operator

KINUMPIRMA ni Chairperson Margarita P. Juico ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na  apat congresswomen sa Pangasinan ang nagkakainteres maging operator ng ilulunsad na Loterya ng Bayan sa kanilang lalawigan.

Ani Juico, ang LNB ang ipapalit sa Small Town Lottery (STL) at nakatakdang ilunsad ng PCSO sa mga susunod na buwan.

Ang apat na kongresista na tinawag ang mga sariling  “Urduja ng Pangasinan” ay sina Reps. Georgina de Venecia (4th District), Kimi Cojuangco (5th District), Marlyn Primicias-Agabas (6th District), at Rachel Arenas (3rd District).

Si Rep. De Venecia, maybahay ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr., ang nagsisilbi umanong team leader ng mga Urdujas.

Sa ginanap na Communication and News Exchange Forum sa Philippine Information Agency , sinabi ni Juico na ilang beses na siyang ipinatawag sa bahay ni De Venecia para pag-usapan ang naturang plano.

Aminado umano ang apat na kongresista na talamak ang ilegal na sugal na jueteng sa Pangasinan kaya mas mabuti nang isulong ang Loterya ng Bayan dahil ito ay legal at makikinabang pa ang gobyerno.

Sinabi ni Juico na sa isang pakikipagpulong niya sa apat na kongresista sa bahay ni De Venecia ay dumalo rin si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply