4 na holdaper utas sa engkuwentro

TODAS ang apat na kilabot na holdaper habang nasugatan ang dalawang pulis nang magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga ito sa Quezon City kagabi, Mayo 17.

Dead on the spot ang mga hindi pa nakikilalang salarin habang sugatan naman ang dalawang  pulis na sina SPO1 Ferdinad Leechou na nagatmo ng tama ng baril sa tiyan at si PO2 Ernesto Barbajera na tinamaan naman sa binti na kapwa isinugod sa Capitol Medical Center.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang engkuwentro dakong 6:45 ng gabi sa may tapat ng Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na sumakay ang apat na salarin na pawang armado ng baril sa Kellen bus (UVH-677) na may biyaheng Fairview-Baclaran.

Pag-sapit ng bus sa overpass sa tapat ng Commission on Audit (COA) ay nagdeklara ang mga ito ng holdap. Kinuha ng mga holdaper ang nakolektang pasahe ng kundoktor mula sa mga pasahero at bumaba sa may tapat ng Sandiganbayan.

Sa nasabing lugar namataan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng District Police Inteligence Operation Unit ng QCPD ang mga suspek dahil sa mga kahinahinalang kilos ng mga ito.

Papalapit pa lamang ang mga awtoridad sa apat na holdaper nang bilang paputukan sila ng mga ito. Dahil dito, napilitan na gumanti ang mga awtoridad na nag-resulta ng pagkakapatay sa apat na suspek at pagkakasugat naman ng dalawang pulis.

Sa salaysay ng konduktor ng bus na si Robert Doligcon sinakal umano siya ng isa sa mga holdaper at tinutukan ng baril bago sapilitang kinuha ang mahigit sa P2,000 bayad ng mga pasahero.

Patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga pagkakilanlan ng apat na holdaper.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply