4 na kasong paglabag sa trapiko tinakasan ng killer bus driver

NATUKLASAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may apat na tinakasang kasong paglabag sa batas trapiko ang killer bus driver na si Caniel Espinosa na nagtatago matapos ang insidente na sanhi ng pagkamatay ng journalist-professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulang.

Batay sa record ng MMDA, ang suspek na si Daniel Espinosa ay nasangkot sa apat na traffic violation may dalawang buwan na ang nakararaan.

Ang violation record ni Espinosa ay inihayag kanina ng MMDA sa ginanap na meeting sa pagitan ng pamunuan nito at represntante ng Labor Department at bus companies.

Nabatid na ang mga kasong kinasasangkutan ni Espinosa ay kanyang tinakasan sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat ng kompanya ng bus.

Ayon ikay MMDA Chairman Francis Tolentino na ikinokonsidera na niya ang paglalagay sa circular sa listahan ng mga bus driver  na sinasabing “repeat offenders” sa traffic violation.

Si Espnosa ay nananatiling nagtatago sa batas makaraang tumakas makaraang masangkot sa pagkakapatay kay Simbulan noong nakaraang May 13 sa kasong reckless imprudence resulting to
homicide.

Matatandaan na nitong nakaraang Martes, iginiit ng asawa ni Espinosa na ang kinasasangkutang pagkamatay kay Simbulan ay kauna-unahang traffic violation ng kanyang asawa (Espinosa). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply