4 pagamutan sa mga lalawigan palalakasin

SA LAYUNING maihatid ang pangunahing serbisyong medikal sa kanayunan, nais ng isang senador na paunlarin at palakasin ang kapasidad ng apat na pampublikong pagamutan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

Nitong Mayo 17, magkakasabay na inihain ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang apat na panukalang batas upang dagdagan ng kapasidad ng apat na pagamutang-bayan sa Samar, Cebu, Bataan at Zamboanga City.

Sa Senate Bill No. 2826, nais ni Revilla na gawing Samar Medical Center ang kasalukuyang Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman, Northern Samar upang palakasin ang kapasidad at kakayahan ng ospital at matugunan ang lumolobong populasyon sa isla.

Nais din ni Revilla na dagdagan ang bed capacity ng Severo Verallo Memorial District Hospital sa Taytayan Bogo City, Cebu na mula sa kasakuyang 50 kama tungo sa 100 kama o bed capacity upang makapagsilbi sa mas maraming pasyente sa lungsod.

Nakatakdang magtayo din ng panibagong pagamutan sa Munisipyo ng Mariveles sa Bataan na tatawaging Mariveles District Hospital at pangangasiwaan ng Department of Health, ayon sa Senate Bill No. 2824.

Pauunlarin naman mula sa kasalukuyang 250 bed capacity tungo sa 500 bed capacity ang Zamboanga City Medical Center dulot ng dumadaming pasyente sa lungsod na pangkaraniwang galing pa sa katabing isla ng naturang peninsula.

“Geographically, the Zamboanga City Medical Center is strategically located, hence its accessibility is a major consideration not only to the residents of Zamboanga City, but to the neighboring localities as well,” ayon sa paliwanag ni Revilla.

Inaatasan ng panukala ni Revilla ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng DOH na maglaan ng kaukulang pondo upang tugunan ang pangangailangan ng naturang pagamutan. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply