4 na Pinay na biktima ng trafficking nailigtas

APAT na Filipina na hinihinalang mga biktima ng human trafficking ang nailigtas ng mga miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) mula sa Singapore at Malaysia.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Jonathan Lledo, namumuno sa IACAT, ang apat ay ni-recruit sa Pilipinas mula sa magkakaibang lugar at pinangakuan ng trabaho bilang waitress.

Pero pagdating umano ng Singapore at Malaysia, pinagtrabaho sila bilang mga entertainer sa club at naging biktima pa ng prostitusyon at sexual abuse.

Sinabi ni Lledo na nagtungo pa mismo ang IACAT sa Singapore at Malaysia at apat na araw na trinabaho ang pagliligtas sa apat.

Nasa kustodiya ngayon ng IACAT sa DOJ ang mga biktima matapos silang isailalim sa stress debriefing at counseling.

Nakatakda namang ipagharap ng reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act sa susunod na linggo ang mga suspek na hindi na muna pinangalanan. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply