4 sugatan sa ambush sa Maguindanao

APAT katao ang malubhang nasugatan nang paulanan ng bala ng mga hinihinalang rebelde ang sasakyan ng mga ito sa Datu Unsay Highway sa Maguindanao.

Batay sa ulat ngayong Lunes ni Lt. Col. Mayoraldo dela Cruz, commnder ng Mechanized Battalion ng 6th Infantry Division, naganap ang insidente Linggo ng umaga nang tambangan ng mga di-nakilalang armadong lalaki ang sasakyan ng mga biktima.

Ayon sa ulat ng opisyal ng militar, agad na dinala sa publikong pagamutan sa Cotobato City ang apat na di pa nakikilalang biktima na tinambangan sa nasabing lugar.

Samantala, sinunog naman ng apat na rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang yunit ng pangtransportasyong kompanyang Holiday Bus Company Linggo ng gabi.

Ayon kay C/Insp. Demetrios Taypin, hepe ng Sta. Cruz Police Station, nangyari ang insidente bandang 8:50 kagabi.

Patungo ng General Santos City ang bus (LXA 820) at pagdating sa Barangay Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur, bigla na lamang pinababa ng mga salarin ang lahat ng pasahero ng bus.

Pagkababa ng mga pasahero, kumuha ng gasolina ang apat na mga salarin at binuhusan ang loob ng bus at sinindihan.

Agad namang tumakas ang mga salarin kaya’t nang magresponde ang mga pulis at mga sundalo mula sa 39th Infantry Batralion Philippine Army ay hindi na naabutan ang mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply