4 sugatan sa sagupaan sa Malabon

MINALAS tamaan ng isang ligaw na bala ang isang lalaki habang bibili lamang ito sa tindahan nang malapit dito ay biglang nagkaroon ng barilan at sagupaan ng dalawang grupo.

Tatlo namang kalalakihan ang sugatan sa nasabing sagupaan matapos itong paputukan ng sumpak ng isa rito kaninang madaling araw, Mayo 6, sa loob ng Teachers Village, Barangay Longos, Malabon City.

Ang mga sugatang biktima na nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center ay nakilalang sina Joey Calvo, 20, binata, porter, ng Blk 8-C Teachers Village, Longos, Malabon; Jerome Dosal, 16, porter; at si Jose Christian Fuentes, 17, ng Sapadas Alley, Caloocan City.

Samantala, si Jonh Alvin “Pendong” Legaspi, 22, ng 15 Ignacio St., Bagumbayan, North Navotas, ang pangunahing suspek at inaresto matapos itong magpagamot sa nasabi pagamutan sanhi naman ng tinamo nitong tama ng baril sa kanang paa.

Kasalukuyang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang nakatakas na kasamahan ni Pendong na sina Ariel Dosal, ng Block 8, Longos, Malabon; at isang nakilala lamang sa alyas na ‘Toto’, ng Block 15; at iba pang kasamahan nito na ‘di batid ang kanilang pangalan.

Sa ulat ni Insp. George Gubatan ng Station Investigation Division (SID) kay Sr. Supt. Cornelio Barrios, hepe ng Malabon police, dakong alas-dos kaninang madaling araw nang maganap ang insidente sa compound ng Teachers Village.

Ayon sa ulat, naglalakad pauwi ang grupo ni Calvo nang makasalubong nito ang grupo ni Pendong nang bigla na lamang napagkatuwaang pinaputukan ng sumpak ang una.

Minalas naman ang isang biktima na si Fuentes matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa kanyang likuran habang ito ay naglalakad para bumili sa isang malapit na tindahan.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung saan galing ang putok na tumama naman sa kanang paa ng naarestong suspek.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa tunay na motibo ng suspek sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply