4-way tie sa PBA D-League Group A kakalasin

MAG-UUNAHAN sa pagkalas sa 4-way tie ang apat na teams na nagkabuhol-buhol sa Group B ng PBA D-League Foundation Cup sa laglagan ng FCA Cultivators at Cobra Energy Drink sa Martes ng hapon sa San Juan City Gym.

Galing sa panalo ang Cultivators ni Coach Arcenio Dysanko laban sa Café France Scorpions, 89-80, na naghatid sa apat na koponang tumpukan sa 3-1 slate na kinabibilangan ng FCA Cultivators, Cobra Energy Drink, Cebuana Lhuillier Gems at Max! Bond Sumos.

Tangan na ng NLEX Road Warriors ang unang quarterfinals slot (4-1) habang nasukbit ng PC Gilmore ang pangalawang butas (4-2) kasunod ng pagpapahiya sa Blackwater Elite sa score na 92-75.

Magiging balikatan ang pagkuha ng semis slot sa Group B dala ng mabibigat at pantat-pantay na kalidad sa paglalaro ng apat at sa pitong grupong pangkat na binubuo ng mga mahuhusay na players mula sa collegiate at varsity teams.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply