40 akusado sa Maguindanao massacre pinadadalo sa pagdinig

MAPUPUNO ng tao mamayang hapon at bukas ng hapon (Mayo 12) ang paglilitis sa Maguindanao massacre matapos nagpalabas ng notification ang Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221 na nag-aatas sa QC Jail Annex na palutangin ang may 40 akusado sa kaso.

Nagpalabas ng tig-isang pahinang notification si QC RTC Branch 221 clerk of court Atty. Jimmy U. Cardines na nag-aatas kay QCJ Annex jail warden Chief Insp. Glenford Q. Valdepenas na padaluhin sa pagdinig ngayon (Mayo 11) at bukas (Mayo 12) ang 36 na pulis at 4 sibilyan na akusado.

Kabilang sa pinadadalo sina Chief Insp. Sukarno A. Dicay, P03 Rasid T. Anton, PO2 Hernanie S. Decipulo, Jr., PO2 Saudiar Ulah, PO2 Saudi Pasutan, PO1 Herich Amaba, PO1 Esprielito G. Lejarso, PO1 Narkouk D. Mascud, PO1 Arnulfo Soriano, at SPO1 Eduardo H. Ong.

Gayundin sina PO3 Felix E. Enate, Jr., PO1 Badjun I. Panegas, PO1 Michael M. Macorongan, PO1 Mohammad K. Balading, PO1 Datu Jerry M. Utto, PO1 Abdulbaya U. Mundas, SPO1 Samad U. Maguindra, PO3 Gabriel R. Alano, PO2 Rexson D. Guiana at SPO1 Ali Solano.

Pinalulutang din sina PO1 Bersedick T. Alfonso, PO2 Kendatu S. Rakim, PO1 Jimmy M. Kadtong, PO1 Abdurahman Batarasa, PO3 Felix A. Daquilos, PO1 Marjul T. Jukadi, PO1 Abdulmanan L. Saavedra, SPO2 George S. Labayan, SPO1 Alimula L. Guianaton, PO1 Pendatun A. Dima, PO1 Ebara G. Bebot, SPO1 Elizer S. Rendaje, PO3 Ricky D. Balameco, PO1 Tamano Sanibal Hardi, PO1 Marsman E. Nilong at PO1 Amir Solaiman.

Sa mga sibilyan namang akusado, pinapupunta sa pagdinig sina Samaon M. Andatuan, Mactan A. Bilungan, Mohades A. Ampatuan, at Moactar R. David.

Matatandaan sa pagsisimula nitong nakaraang buwan nagpahayag ng pagdududa si private prosecutor Harry Roque kung nasa piitan pa ba ang mga akusado sa krimen partikular na ang mga pangunahing suspect.

Hiniling pa ni Roque sa husgado na iprisinta sa hukuman si Andal, Sr., para masigurong nasa kulungan pa ito dahil may agam-agam noon ang kampo ng prosekusyon na maaaring wala na ang dating gobernador ng Maguindanao sa kanyang piitan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply