40 kaskaserong driver arestado sa ‘killer highway’

HINULI ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang 40 driver ng pampasaherong bus sa Commonwealth Ave., na tinaguriang killer highway sa Quezon City, dahil lumampas sa itinakdang maximum speed limit na 60 kilometro kada oras.

Sinabi ni LTO-Law Enforcement Division Director Edgar Cabase na bumuo ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ng RAS o Running After Speeding Vehicle katuwang ang LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at PNP-Highway Patrol Group para arestuhin ang mga kaskaserong drayber ng pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa naturang kalsada.

Pumuwesto ang mga awtoridad dakong alas-otso ng gabi kahapon, Lunes, at sinimulang parahin ang mga bus driver na kasing bilis ng kidlat kung magmaneho.

Inisyuhan ng temporary operator’s permit (TOP) ang mga natiklong drayber ng public utility bus para makapagpatuloy sa hanapbuhay.

Ipinasasailaim na rin sa seminars at drug testing ang mga nahuling drayber para malaman kung talagang may kaalaman ang mga ito sa batas-trapiko at matukoy kung gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakakasa naman ngayon, Martes, ang pagsasagawa ng assesment ng RAS para mas mapaigting pa ang kampanya laban sa mga kaskaserong drayber.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply